the asian blossom
tricia
ayan medyo maayos na blog ko... pati buhay ko maayos na... haha... ata... ay ewan... labo ko lang... haha...

Wishlist

high grades.. haha...

Friends

aaron
alyssa
dea
giselle
ian
janella
kamkam
karina
marianne
nikkei
pam
steff
vic

Tag


Credits

Brushes:
Echoica.net
Paperlilies.com
Aethereality.net
Juvenilecasulty.net

Picture: Kedralynn from Deviantart

Layout: hecate_sedai

General: Blogger, blogskins.
Friday, April 20, 2007

argh... bakit ang tagal matapos ng bakasyon...

nakakamiss na tuloy... oh well... lately, sobrang ang ewan ng mga naiisip ko... as in sobra... nakakainis nga dahil wala man lang akong magawa para di na ako mag-isip ng kung anu-ano... nahihirapan na nga ako eh... pero yun niloloko ko yung sarili ko na tanggap ko na yung thing na yun pero sa totoo lang hindi pa... parang i'm sad pero pagsinabing 'ui, wag ka na malungkot. isipin mo na lang ganito-ganyan...' nagpre-pretend ako na masaya ako... haaaaay... ang sama ko talaga dahil minsan di ko na masabi na malungkot ako dahil lam ko naman yung mga sasabihin niya... haaay...

~tricia

Friday, February 16, 2007

oh ayan... after a long long time, ngayon palang ako naexcite sa prom... bakit?? dahil may achievement tests at may mga problem sets... oh yeah... exciting noh... tapos ayun... ngayon ko lang nafeel na prom na pala bukas...

oh well... last cotillion practice namin kanina... haha... fun naman siya except lang nung bago pa magsimula... oh well... try try try... ayun... sana nga pala ok yung kalabasan ng cotillion bukas para naman hindi kami mapahiya or something...

kanina nga pala... buong araw ako wala sa mood... di rin ako nagnotes... puro doodle lang... tapos nasungitan ko pa yung ibang tao... at etoh pa malala... sa sobrang bad mood ko hindi na ako nang inis ng tao... lalo na si karina... haha... oh well... yoko talaga ng ganung feeling... kaya bago bago bago...

ayan... tapos nung valentine's... happy... haha... la lang...

bye na muna... kelangan pa matulog...

~tricia

Sunday, February 11, 2007

argh bakit ganun... kelangan pa mag-aral para sa achievement test... eh kaya nga achievement test eh... para malaman yung naachieve, so dapat hindi yun pinag-aaralan... argh... so dapat nag-aaral na ako ngaun.. mamaya na lang... haha... post muna bago aral kahit di na required magpost...

oh well... kakauwi ko pa lang kahapon so ibig sabihin isang araw lang ulit ang natira para gawin lahat ng kelangan gawin... tapos yun... nakaka-antok talaga yung mga saturday practices pero at least last na yung kahapon... haha...

argh tapos baka next time ko na ipost yung dapat ipost ko dito... mahaba kasi... basta tungkol yun sa nerd stuff na pinag usapan namin nila karina at steff last week... haha... oh well...

~tricia

Sunday, January 28, 2007

when the dog bites
when the bee stings
when i'm feeling sad
i simply rememeber my favorite things
and then I don't feel so bad

haay... kakatapos lang ng science week... at magiging hell na naman buhay namin... oh well... STR posters... haha... ang boring... at wala pang signal sa place namin... proven na iyon... prinove ko siya ng ilang beses and poof... totoong forever walang signal dun... so nung wednesday para hindi kami mabored sa pagbabantay ng thingy naglaro kami ng jackstone... haha... at nga pala... may isang beses na humingi kami ng food kay sir taf pero joketime lang yun... tapos tinotoo naman nya... haha... so anim kaming naghati sa isang sandwich... haha... oh well... kabaitan ni sir taf... haha...

at pumunta si kamkam withher schoolmates na ang ewan... or baka masama lang talaga ako... basta mareklamo sila... may narinig pa nga ako eh... "bakit ba walang elevator dito?? ang sakit na ng paa ko eh!!"... argh... kainis.... kung pwede lang mang away ng tao eh... sandali pa nga lang sila nakatayo dahil kakaupo pa lang nila nagrereklamo na... haay... at nung hapon nun... gumawa kami ng isang evil plan nila maan at kamkam... at tinawag namin itong operation barbeque stick... masyadong confidential so yun di na ako magbibigay ng details...

tapos nung open ceremony nung monday... may isang boring na speaker... at sinayang niya ang 2 hours para lang makinig kami sa kanya... eh lahat ata ng natutunan niya sa buong buhay niya nasabi na niya sa speech niya eh... kaya naman nagkaroon kami ng chat sa papel... at nagbotohan kami kung sino ang mas mabango si sir taf o si sir alfer... haha... ayan ang mga nagagawa ng mga bored na tao...

at nagkaroon rin pala ng practice ng cotillion nung saturday... at isang malaking pagkakamali ang hinsi pagdala ng slippers... so buong araw ako naka high heels... yung unangh torture maraming ikot... at yung pangalawang torture ay yung we're all in this together ng high school musical... haay... di ko lang type yung dance... hindi ko pa nga napapanood hate ko na ang high school musical...

haay... oh well... may problema nga pala ako ngayon...

~tricia

Sunday, January 14, 2007

well... gumagawa ako ng commercial thingy para sa fil diagnostic test... haha... tapos yung yung thing namin... yung enervon campaign na "more energy, mas happy"... wahaha...

Oh well... tagal ko di makapagpost... at di ko yun kasalanan... kasalanan ng blogger... ayaw ako pagsign in... daya daya... bakt yung ibang tao nakakapagpost... hmph... tapos pati ym ayaw... ngayon lang gumana...

anyway... may mga reasons kung bakit gusto ko na pumasok nung bakasyon pa... at may mga reasons rin kung gusto ko pa magbakasyon, syempre dahil sa acads... wahaha...

kwento na lang ako about sa mga nangyari this week... well... masaa this week... halos walang requirements at puro pahinga... yey... tapos ayun... tatlong araw masakit ngipin ko dahil sa pink elastics na ito... hmph... di tuloy ako makakain... oh well... nabawi ko naman kasi nung di na siya masakit kain na ako ng kain ulit... wahaha...

tapos nagwawater fight mga cesium people tapos ang malas ni karina... ice cream yung naitira sa kanya... lagkit tuloy nung hair niya...

tapos nagkwentuhan kami ng mga thingies sa dorm... yung una horror... ah grabe... naparanoid ako... natakot ako ng sobra... ako pa ata yung nagsimula nun eh... stupid ko talaga...

yung next super nakakatawa... 2 and a half hours kami nagdadaldalan... tungkol kay Mr. Bean, tapos sa commercial ng olay na spoof ng bubble gang... kwento ng isang extra... my roles become smaller, and my lines parang nawala... wahaha... tapos mga commercials na nakakatawa... grabe... pero best talaga yung kay Mr. Bean... wahaha...

~tricia

Wednesday, December 20, 2006

ayan... puro na party ngayong christmas vacation... wheee... mamaya meron ulit... happy happy... so yun...

pero miss ko pa rin pisay... super... ilang days na lang ba... hmmm.... 14 days??? waaah... tagal pa... oh well... pahinga na lang siguro ako habang naghihintay magclasses... tapos 5 days na lang christmas na... whee... gosh... para akong bata... haha... lapit na rin death aniv ng grandpa ko... christmas rin... waaah...

tapos yun... haay... tapos la lang... ewan... nakakagutom talaga... wahaha... ang dami ko na talaga nakakain ngayon... sobra... ang weird kasi ng buhay ko ngayon... kain, cellphone, tulog, tv... wahaha... oh well... ay nag aalaga rin ako ng baby sis ko... minsn... wahaha...

ayun... tapos gumawa ako ng fil love story... tapos baba ng nakuha ko... oh well... sana mabawi nung choose your own adventure namin... hehe... cute cute nung story namin... super... haha..

ayun... tapos kumuha ako ng test sa blogthings... tapos hindi daw ako mataba... yey... sabi kasi nila aaron tumataba daw ako... sama talaga niya... oh well... robot naman siya... wahaha... yaw pa kasing tanggapin ang katotohanan... na di ako mataba... oh yeah...

sige yun lang muna...

~tricia

Friday, December 15, 2006

gosh... cute cute ng happy feet... hehe... ngayon ko lang napanood... pero lungkot pag-uwi ko agad... waah... sana mas matagal yung gimik namin... tapos wala pa si kamkam... waah...

nung mga few days ng bakasyon masaya sana.. wala ako ginawa kundi computer at cellphone... kaya pagdating ng wednesday at thursday, tadtad na ako ng mga requirements... eng term paper, at mga pinoy stuff... tapos next week... str naman... anong klaseng bakasyon naman iyan?? oh well...

taps yun... di ako halos nakatulog kaninang umaga... english kasi eh... tapos ayun... may nangyari pang malungkot... kaya kelangan ko talaga magbago... promise magbabago ako para sayo...

gagawa pa nga pala ako ng love story sa pinoy... waah... medyo tinatamad na... haha...

tapos kanina ang fun fun talaga... super... ang hyper ni maan... hehe... dami corny jokes... kahit halos naninigas na kami sa lamig... haha...

bago nga pala ako magpass ng mga requirements na crammed eh punta muna ako sa old school ko... namiss ko sila... super... yung easy subjects at yung pagiging relax ko dun... hehe... tapos... nagulat sila kasi two years na ako di nagpapakita... ang dami daw nabago sa akin... excuse me, hindi ako nagparetoke... ibang pagbabago daw... siguro sa ugali... hehe... tapos nakipagbonding ako sa best friend ko dun... si monique... ang daming nangyari na di ko lam... kasi naman nanakaw yung fone ko dati at nawalan ako ng contacts sa mga taga-holy spirit... ayun... dami ko nakwento sa kanya... sabi niya boring daw dun kaya la siya masyado makwento... super conservative daw kasi ng school na yun... hehe...

tapos nagbus kami papuntang pisay... oh yeah... natututo na ako mamuhay... sabi ni kuya kelangan ko daw matuto ng mga ganitong bagay para naman daw masanay ako mamuhay... labo... pero oh well... try ko na rin...

tapos tumataba na pala ako... la kasi magawa sa bahay... kundi kumain... wahaha... kasalanan toh... gluttony...

~tricia

Saturday, December 09, 2006

ayan... tapos na sa wakas ang perio... yey.... pero yoko pa magchristmas break... super... kainis...

nung monday... dami dami ginawa... long test sa physics at math tapos long test sa comp sci... argh... yung comp sci di ko talaga makuha yung tamang code... kainis... ok lang... tapos nung gabi... auti kami ni karina at steff... nakakita kasi kami ng fireworks sa labas ng bintana namin... sabi ni stefffor good luck daw yun... sana nga.. hehe... ayun... pinanood namin yung fireworks...

nung tuesday start ang vanity namin... ako, karina, alyssa, steff at nikkei... una sa classroom lang... tapos pigtails kaming lahat... ngayon lang ulit ako nag-ipit... saya... naubos yung time namin nung umaga kaka-ayos ng buhok... di na kami nag-aral... joke lang... hehe... after nung test... picture taking sa dorm yung sa christmas tree... tapos sa bany sa back lobby... tapos sa field... mukha uloy kaming auti... ok lang... fun naman... sana pumasa ako sa perio sa pisika...

nng wednsday... saya saya... vain na buong cesium... halos... bago magcomp sci long test picure taking kami at lahat kami di nag-aral... ang porn ni chu at ni non... super... tapos after nung comp sci thingy... vain namin... picture picture picture puro picure inatupag namin... sa puno kung saan nahulog si karina, sa field kung saan humiga kami at sa goal... hehe... tapos inuwi ni karina yung mga memory card namin so yun... lungkot... buti na lang may internal memory yung camera ko... hehe... tapos after nun dapat gawa na ako ng pinoy lng test at perio pero may mas importante akong ginawa... wahaha... at hindi yun eng first draft... hihi...

thurs... at last, last day na ng perio... super saya... syempre di mawawala pagkavain namin... picture taking forever... hehe... astig astig... talon kami ng talon hanggang sa pinagod kami ni vic... dahil di nya kami makuhanan ng pic na tumatalon... kung di late, super aga naman... tapos mukha na kaming tanga sa back lob... so yun sa grandstand naman kami tumalon... tapos... la pa ako gift sa nakabunot sa akin sa exchange gift... so yun nagpabili na lang ako dahil hindi ako pwede magsm... tapos cotillion practice at late yung partner ko... hehe... buti na lang late din ng partner ni arianne so may kausap ako... grabe tagal namin sumayaw... sumakit na katawan ko at nahihilo na ako kakaikot...hehe... after nun party... tapos pinapunta ko si kamakam... saya saya... nagstroll kaming tatlo sa oval tapos kwentuhan...kaya lang corny kasi yoko pa bumalik sa dorm... argh... tapos akala ko nawala ko yung gift sa kin ni janella...

friday... masaya super... firts di ko pala nawala yung gift ni janella... kinuha pala niya ulit... tapos outreach... may isang bata dun na naging close ako... tapos pinagod niya ako... kasi nakaheels ako tapos akyat baba kami sa shhb kakahanap sa tita niya... pero ok lang i have fun... yayakapin nya dapat ako kaya lang ang manhid ko... oh well... manhid talaga ako... tapos may kambal dun na magaling sumayaw... kaaliw sila... super...after nun cesim party... dami food... di na namin maubos... tapos pic taking kami... astig ng pics super... matino na yung talon pics di katulad nung dati... tapos picture taking nila sir alfer at maam rodriguez sa field... pang stars are blind... hehe... tapos may isang tao na sumama ang loob sa akin... buti na lang naayos namin agad... di ko lam ang mangyayari sa akin pag di niya ako kinausap forever... haay... buti na alng talaga... ayun... tapos may fireworks nung gabi... kaya lang sandali lang yun.. pero ok pa rin... haay...

ayoko pa talaga magbakasyon pero la na ak magagawa... argh...

~tricia

Thursday, November 30, 2006

for a moment like this some people wait a lifetime...

ngek... malabo... oh well... la lang... bakit kaya?
tapos dami pa gagawin para next week... grr... may perio na nga... taposdami pa req'ts at long tests... waah... oh well... kaya ko yan... masaya naman ako eh... wahaha... mainggit kayo... joke lang...

dapat nga may pasok ngayon at dapat nagmath long test na kami... at dahil dyan sa bagyo na yan... walang pasok... yey... pero di ko mafeel ang bagyo dito... la nga ulan eh... malamig lang at medyo makulimlim... hehe...

nung monday... masaya naman... nagpapansinan na kami ng adelfa barkada... yey... haay... at least medyo ok na...ayun... tapos ang cute ng pag-uusap namin ni kamkam sa text... binalikan namin yung family night thingy... hehe.. yung nagpillow fight kami... tapos nagpillow fight kami sa text... gosh... saya... iniimagine lang namin na natatamaan kami ng unan... wahaha... tapos bonding kami ni angelica hanngang 6pm... happy...

tuesday... ayan... nagpapaka-autistic kami nung english time... wahaha... nag-usap usap lang kami nila karina, angelica, alyssa, nikkei at pauline... nag-usap kami tungkol sa mga shows na pambata... haay... super kakatawa... may dora, blues clues, clifford, madelaine (tama ba spelling), little lulu at dami pa... haay... kakahyper... tapos nun... naubos utak ko... kakainis kasi si clifford the big red dog... ang laki laki nya tapos sinasakop nya buong screen at ang pula-pula nya... masakit sa mata... muntik ko pa nga palitan topic ko sa english ng effects ng children shows ang mga teenagers...wahaha... buti na lang at di natuloy... tapos pinagbuntungan kami ng galit ni sir taf... ang malas ko lang at wala pa rin akong research manual... argh... labo talaga nya... super... tapos ang bait nya sa lithium at nung nagvovolleyball sya... unfair... haay... tapos inabangan namin bumaba yung sun... sakit sa mata... feeling ko ngayon pa lang yung effects... joke lang...

wednesday... etoh na ang pinakamasayang araw ngayong linggo... dali-dali bio long test... saya-saya... ang nakakainis lang talaga yung comp sci prac test... super... sorry sir bingcang pero ang hirap talaga... waaah... ay try ko pa nga pala gawin yun mamaya... tapos bago magbio long tst nagcaf kami nila nikkei, alyssa, karina at angelica... tapos nagdisappear sila nikkei at angelica... so ang kawawang karina ay naiwan sa aming dalawa ni alyssa... so pinagtulungan namin siya... evil evil... nahulog wallet ni karina at di namin siya tinulungan kahit na may dala siya at kami wala... hehe... ayun... sayang kasi energy namin... what?! labo... tapos nung dismissal saya saya... bakit kaya? ah basta... wahaha...

i could not ask for more... hehe...

ayun... buti may fil love story na ako... na naisip ko paggising kaninang umaga... inspired kasi... hehe... tapos may children's story na rin ako na naisip habang naliligo... oh di ba... nainspire ako ni karina at nung clifford the big red dog... hehe...

~tricia

Sunday, November 26, 2006

argh... kainis talaga... ok na sana eh... naiinis lang talaga ako...

haay... oops may pinoy long test pala... konti na lang at matatapos na ako... yey...

pero inis pa rin ako... grr... humanda ka sa akin...

~tricia



ayan..

wala lang.. masaya na naman ako... oh well.. parati namanparati ako nakakakita ng magagandang bagay sa kabila ng kalungkutan.. think positive di ba...

ayan... kwento ko na may mga bago akong friends... si nikkei at alyssa... oh di ba... improving nagiging close na ako sa ibang tao sa paligid ko... kahit yung mga di ko inaakalang magiging kaclose ko...

naririnig ko ngayon ang dora thingy... "we love ot sing... we love to dance..." what the?!

oh well... ayan tapos nakuha ko na pala yung gown para sa kasal ng tita ko... less than one week na lang at ikakasal na siya... weee... exciting di ba... astig... cute nung gown... cute nung fitting room nila pagpasok ko nakasabit yung lahat ng gown ng abay... puro color purple... tapos puro salamin... hehe... well... nagpakavain ako dun... hehe...

ay tapos yung nga pala... kaya ako nagbago ng layout nainspire ako ni kamkam... family daw kami di ba... so yun... family ng mga bunny yung layout ko... hehe... cute cute ng mga bunnies... at saka di na siya mahirap basahin katulad nung dati...

~tricia

Friday, November 24, 2006

ayan... bumalik kami sa pagkabata... ay! bata pa nga pala kami... hehe... laro lang ng laro ang cesium... oh yeah... saya saya...

thursday nun... tapos nagPE kami... kainis nga eh... na out pa ako sa softball... argh... isang step na lang eh... oh well... tapos yun pagstep ko sabay sampal kay cp... wahaha... revenge... ayun... at naghihikayat pa ako ng mga sasampal sa mga mang-out ng mga tao... oh yeah...

after nung PE naglaro lang kami ng naglaro nila ian, angel, karina, pauline, kathrin, aaron, at non kahit may injury si non... wahaha... oh well... first, charge block boom ata yun... ah basta yun... kung ano man tawag dun sa thingy na yun... tapos nagsawa kami... so laro naman ng patintero... tapos tutubi... tapos spin the bottle na di naman natuloy... tapos muntik pa magbahay-bahayan sa goal... so yun... lambitin na lang... haha... tapos yung bahay kubo na... ang galing anim kaming naglaro nun tapos saya saya... kahit super nakakalito... oh well.. natapos namin yung song... accomplishment na yun para sa amin... hehe... so dapat buong class na ang maglaro nun... joke lang... di kaya mabaliw tayo nun... haha...

ay tapos isa pang thing na nakakabaliw nung thursday... yung pinoy... ay super... kilig moments at heartbreak thingies... gosh... well, di nila nahulaan yung kilig moment ko... kasi iba yung mga binibintang nila sa akin... wahaha... oh well... basta ang galing ko nahulaan ko yung kay karina nang di ko sinasadya... hehe...

tapos super may isang kwento na tinawanan ko lang buong week... super yun... hehe... kaya lang di ko na ikwekwento baka magalit na si kuya... hehe...

yun na lang muna ngayon... di ko pa tapos yung pinoy long test... waaah...

~tricia

Saturday, November 18, 2006

sabi ni maam rodriguez aka teacher sugar or pwede rin sugar mommy na ako si shizuka or whatever... basta something like that... hehe... kakaaliw... binigyan nya kami ng names na pambata... hehe...

oh well... change topic... gosh... parang yung sinabi ko sa eng namin... naalala ko pa... nakakahiya... "change topic"... hehe... nakakatawa... saya naman nun... oh well... tagal na nun nangyari...

haay... basta... saya saya kagabi... hyper mode ako kagabi eh... tapos gawa kami ng bahay sa ym... sama sama kaming "pamilya"... yun yung tawag ni kamkam dun... hehe... ang fun... kahit sandali lang sya parang kasama ko talaga sila... haay... kakamiss talaga yung dalawang yun oh... oh well... sana magsama-sama ulit kami sa "bahay" na yun... or kahit sa personal... magkasama-sama kami... oh di ba happy...

~tricia

Friday, November 17, 2006

oh ayan... nagstart na ako mag ayos ng buhay... at sana di nila isipin na ang selfish ko... haay...

ewan ko... basta nasabi ko na sa tatlong person yung dahilan kung bakit ako nagbabagong buhay... at isa dun ang pinakamamahal kong si kamkam... oh well... sya na lang ang nakakaintindi sa akin at si maan... basta... gusto ko lang kasi maranasan yung nakwento ni kamkam... yung saya... yung freedom... yung magagawa mo yung mga gusto mong gawin na walang iniisip na iba... tapos yung makikilala mo ang ibang mga tao na di mo naiisip na pwede pala maging kaibigan... haay... masaya pala yung feeling... basta... parang ang gaan ng feeling ko...

ayon... saya saya kasama na ng Cs... naglalaro kami ng i wanna be a tutubi nung monday... tapos isang beses lang ako nataya at nahuli ko rin bago mag end yung song... oh yeah... proness... 3 hrs ata yun... hehe... tapos may isang araw this week sa may gaz kami... tapos kantahan sila... oh yeah... habang yung iba nag agawan base... takbo takob... gusto ko sana sali kaya lang super init... at iitim ako... tapos ayun papagalitan na naman ako ng mom ko... waaah... so sa gaz na lang ako habang kanta sila... hehe...

tapos dami namin req'ts this week... long test sa physics, math, bio at chem... magkakasunod na araw tapos 2 per day... garbe... pero happy naman kasi 44/50... oh yeah.. ngayon lang ulit, after umalis ni sir g, ako nakakuha ng ganitong grade sa chem long test... oh di ba... yipee...

tapos ayun nung thursday night... tawanan kami nila karina at steff sa kwarto... pinag usapan namin yung mga 1st year days... tapos kung paano magsayaw si angel ng "di ako bakla"... ayun may pangblackmail na si steff... wahaha...

tapos ayun... nung thurs... nagdusa kami ni steff at aldrine sa PE... waaaah... nagmukha kaming taong grasa sa dumi or gusgusing bata kasi halos nalinis namin ang isang part sa grandstand kakaphysical test... hehe... oh well... tapos ayun... excited kami ni steff maligo after nung so called "physical test" na di naman graded... tapos hyper mode kami so yun... habang practice sila sa paskorus... nagsasayaw kami ni steff... haay... tapos nakikilala pala kami hanggang sa 3rd floor... waaaah.... oval to third flr... nakakahiya... akala ko di kami makikilala.... waaaah.... ok lang... hehe

tapos ngayong friday... masaya naman... paskorus na... tapos kahit di ako kasali kinakabahan ako... syempre naman... basta ang galing ng cesium... ang ganda ganda... super... haay... grabe... ang galing talaga... tapos after nun laro kami ng i wanna be a tutubi tapos sabi ni karina i wanna be a jollibee daw... hehe... fun... tapos ayun bonding session ng Cs... tapos natalo ang Cs sa paskorus... waaah... k lang yan... nagawa nyo naman ang best nyo at maganda ang kinalabasan... kaya im proud of you... gosh... para akong nanay... hehe... basta galing ng Cs... Go Cs....

~tricia

Saturday, November 11, 2006

di na masakit lalamunan ko... hehe... saya saya....

tapos dami dami ko kinanin....

tapos... wala na...

gusto ko lang magpost for nothing...

haay... la pa ako ginagawa na req'ts....

mahirap maghanap ng english stuff.... yung japanese kit....

mahirap gumawa ng horror story para sa pinoy.....

oh well.... chat na lang magagawa ko....

hehe....

~tricia

Friday, November 10, 2006

ang ewan ng feeling ko ngayon... haay.... pero ang hyper ko daw ngayon sabi ni steff...

*flashback*

haay... ewan.... la masyado ginagawa ngayong week... la masyado req'ts... lahat siniksik next week... what the?! oh well... ayos lang... la naman ako sa paskorus... actually, kami ni steff... dami pa free time... hehe... so yun... dami time mag aral para next week... dami kasi long test next week tapos may paskorus pa next week... good luck sa cesium... lapit nyo na makuha yung blending... yey.... go.... kaya nyo yan....

tapos... hirap pisika... di ko sya gets ngayong week... tapos bait ni sir palima bigyan nya freetime cesium para magpractice... hehe... sana pati sa monday... joke lang... hehe...

tapos nung seminar thingy... haay... boring... buti na lang katabi ko si gen at si giselle... kundi... zzz... gen talaga oh... naghihiwalay yung upper at lower body nya.... tapos nagkakaroon sya ng pakpak... joke lang... haay... basta kaantok....

tapos yung second half nun naglaro kami nung game of life... grabe katakot yun... tapos namatay ako... grr... ok lang... hehe... after nun... nag open forum kami... at medyo feeling ko nagstastart na kami magbond... at wala naman palang mali kung magbond kami... hehe...

haay... tapos nug wednesday... super nakakatakot... grabe... di ko lam yung gagawin ko that time so umalis na lang ako ng mabilis... sobra... haay...

oh well... sakit ng lalamunan ko ngayon... grabe... di ako makakakanta... kainis... kasalanan nung iced tea sa caf... joke lang... hehe....

oh well... dapat magiging masaya yung grandstand party namin nung UB... dapat... pero parang naging malungkot dahil medyo masama pakiramdam ni dea... tapos dami dami pa... sobra... haay...

tapos nung wednesday night... bonding kami ni steff... tapos tawanan lang kami... hehe... tapos tulog nang maaga... hehe...

gusto ko na matulog... hehe... antukin na talaga ako... sabi nga ni kuya... etoh yung sakit ko... hehe...

~tricia

Saturday, November 04, 2006

bago ko ikwento yung nangyari sa buong week ikwekwento ko muna yung nangyari ngayong araw...

ngayon... card giving... at masaya ako... kasi wala akong bagsak... oh yeah... happy happy... inaasahan kong babagsak ako sa physics per tumaas pa yung grade ko... pati sa math ganun... kaya ang happy happy ko...

birthday ngayon ng pinakacute kong pinsan... si potpot... hehe... yung pinsan ko na tuwang tuwa si giselle... basta yun... jollibee party yun... so medyo pambata... ay di lang medyo... pambata talaga... oh well... nagsayaw si hetty ng push the button... haha... tapos natuwa sa kanya yung baby sis ko... kamusta naman yun... hehe... cute cute... tapos pinagpapalo sya nung sis ko sa sobrang tuwa nya... oh di ba... brutal... hehe...

kwento ko naman yung buong week...

at last nagkabati-bati at nagkaayos-ayos na rin ang lahat... buo na ulit ang barkada... sabi na nga bang pagsubok lang yun eh... oh well... saya saya talaga... haay... sweet ni chanchan at ni giselle... daig pa nila yung mga nag ask sa prom sa ginawa ni giselle... hehe

tapos... closeness property na yung barkada at si maam rodriguez... kami nila giselle, ada, maan at chanchan may ORI sa faculty... optional rodriguez instruction... wahaha... adobo... ay ititigil ko na yun... yoko na... pati yung "may nararamdaman ata ako"... mga natututunan ko dun... gosh... yoko rin basahin yung hand out na binigay nya... kasi baka may maramdaman ako... haha... *sabay hawak sa balikat*

tapos nung friday... ang saya saya pa rin... buo kaming lahat sa table na pinagdudugtong sa caf... pero na freak out ako kay marianne... bigla lang nya binato yung panyo nya sa salamin ng cr... freaky talaga... sobra... tapos nagpaiwan ako sa dorm... kasi yun yung sabi ng mom ko... para di na daw ako luluwas kasabay nya sa card giving... at sabay na lang kami uuwi... ayun... nagstay kami nila maan at dea...
kwentuhan kami at nanood ng video... grabe... yung chinese backstreet boys... galing galing... nakakatawa... crush ko nga yung isa dun eh... wooh... hehe... hyper sila... at gagayahin namin sila ni maan... para madiscover kami... joke lang... pero balak namin gayahin for fun... sabi pa nga ni maan hyper hyper ko nung gabi... bakit kaya?! hehe... grabe paulit-ulit ko ginagaya si maam R yung "may nararamdaman ako" thingy... syndrome na ata toh na walang lunas eh... haha...

ayun pa... galit na galit ako kay vic... sobra... nung str kasi... sinabi nya na iaask ko daw si tafaleng... grrr... kakahiya... di naman totoo yung sinabi ko yun eh... pero aamini ko... gwapo si tafaleng... ok... hehe... pero di ko sya crush... at di ko sya type... hehe...

ayun lang... kaya humanda ka vic... may utang ka sa kin... pano nga pala nalaman ni ano na may ano ka ha... siguro mag-on kayo noh... wahaha... *evil mode*

~tricia

Tuesday, October 31, 2006

happy halloween...

sabi sa tv pwede na daw mag- audition sa starstruck... wahaha... la lang... la konek... oh well...

nung sunday akala ko stay ako sa dorm... tapos umuwi rin ako... laboness... gusto lang nila ako makitang matulog... argh... oh well... happy naman... kahit papaano... haay... nakabili pa ako ng pink na damit... pinkpinkpink... oh yeah... hehe... adik... tapos nung sunday rin kumain kami ng dinner... tapos dami ako nakain... yoko pa sana tumigil kumain kaya lang pagod na ako ngumuya so yun... napilitan ako tumigil kumain... argh...

tapos ngayon... san ka ba naman nakakita ng school na may pasok ng oct 31 at nov 2... abnormal talaga... halos lahat sila may sem break... kainis... kahit sa old school ko... argh... kainis talaga... last yr naman 1 week yung break ha... haay... anyway... at least bawi sa christmas break na halos one month... woohoo...

saka nga pala... happy bday steff pogi... hehe... yun lang... yoko kumanta... la ako boses... joke lang... yoko bumagyo noh... yun lang... im happy for you kasi may pasok na rin sa bday mo... oh di ba... minsan lang yan sa buhay mo... hehe...

yung math long test nga pala... haay... grabe... bakit ang haba nun... or baka ako lang nahirapan... oh well... ok lang... happy happy naman ako...

nagplaplano na rin ako wag sumali sa paskorus... inuubos nya kasi yung time ko... argh... babawi sana ako sa physics at sa mga pagkukulang ko sa mga friends ko... pero sagabal yung paskorus sa mga plans ko... pero parang ang selfish at bad ko naman tuwing iniisip ko yun... haay... di na nga ako magbaback out...

anyway... masaya naman ako... kasi half day ngayon at nakauwi ako ng maaga... oh yeah... salamat sa mga nagdasal na sana half day... kasi natakasan ko ang str quiz... yeah... happy happy... at ang bagal ng globe ngayon... super... di ako makapagtext ng matino... grrness... binubully pa ako ni janella ngayon sa ym... hehe... buti na lang at di ako pikon... hehe...

~tricia

Sunday, October 29, 2006

nandito ako ngayon at kalahating araw lang ako magstay sa bahay... bow...
hehe... dami nangyari ngayong week...

monday...
thanks maan... sobra... dahil sayo sumaya araw ko... sobra... pero kahit papaano, malungkot rin noh... haay... bakit kasi kelangan pa dumaan sa ganitong pagsubok ang barkada pwede namang maging ,aligaya at magkakasama forever di ba... ano ba talaga ang problema... di ko maintindihan... ang gulo talaga... aalalahanin ko na lang yung masasayang sandali nang araw na ito... of course... puro proj runway lang... hehe... start na ako magpapayat... hehe... para di ako tumaba... pero mataba ba talaga ako?? hehe... labo... basta yun puro proj runway inaatupag namin nung monday... la pa nga kami halos nagagawa nung araw na toh eh... basta thanks maan... super...

tuesday...
walang pasok nung tuesday... yey... happy happy... pero ayun... puro proj runway pa rin... tahi kami ng tahi... gupit ng gupit... hehe... parang yung song nung bata pa ako... with matching actions pa... hehe... oh well... ayon... gutom ako at marami akong kinain... sobra at demanding ako pagdating sa food... nakalimutan yung order ni ate angel kaya nagkaroon kami ng foundation para sa food nit ate angel... tapos ginawa nila akong manekin kaya nagutom ako... at gawa kami ruffles... nakakapagod yung araw na ito at buong araw namin pinag-usapan si capt bakingkong at ang kanyang katangahan... hehe... at gutom ako... inuulit ko... gutom ako... tapos may chem pa... at wala na akong balak gawin kaya yun di ko ginawa... wahaha... badbadbad... wag nyo po aong tutularan... problem set lang naman... gosh... prob set nga yon... kaya baka malaking percentage sya ng grade... napag-usapan pa namin ni giselle yung college... at wala kaming naisip na kurso... so yun ginambala nun yung isipan namin buong gabi... at naisip ko wala pala akong pangarap sa buhay... joke lang... business na lang siguro ako... joke lang ulit... puro geom at physics kasi eh... kainis naman nun...

wednesday...
wohoo... 1:40 dismissal... saya saya... balak ko sana magpasa ng prob set ng late kaya lang di natuloy... grrness... discuss na kasi nya eh... ok lang bawi na lang ako sa long test bukas... wala kaming na accomplish nung araw na ito na matino... napuyat lang ako at nagrufflelize lang kami... new term di ba... rufflelize- to make ruffles... hehe... di yung food ha... basta... di rin nakapag- aral ng chem... konti lang... argh oh well...

thursday...
haay... deppressed... pagod at puyat sa paggawa ng susuotin para sa proj runway... as usual manekin at gumawa ng ruffles... meaning nagrufflelize kami... wahaha... hyper ni ada... super... tapos nagwawala kami kasi bukas na yon at di pa kami tapos... haay... at takot kami sa magic... kaya gawa na lang kami ng speech at intro na pamatay... na di pwede isubmit kasi IR aabutin namin... oh well... ang start nun... mga *toot* kayo, kinamay lang namin toh... oh di ba pamatay... oh well... basta we did our work honestly... hehe... at di kami nagmagic... at matagal namin sya pinaghandaan... mga one month siguro at di one day... hehe... basta yun... nangako kaming walang tulugan pero naiinggit ako kay maan na nakita kong natutulog... so yun tumabi ako sa kanya at natulog... hehe... at di nila akong magising... hehe... siguro iniisip nila namatay ako sa kaba... well, buti na lang may taong pumapawi sa kaba ko... wahaha....

friday...
paggising ko... gising na sila lahat... gosh nakatulog ako... at paggising ko namulikat ako at di ako nakatayo... waah... pano na yan... ang malas naman... buti na lang at nndyan sila maan para takutin ako kaya napatayo ako bigla... hehe... nakalakad din... late pa talaga ako nagising... argh... tapos di kami nakapagfair... two day fair na nga lang nabawasan pa... so ibig sabihin... isang araw lang yung fair ko... waah... at yun... nagtahi pa rin kami... at kinakabahan na kami... pero we have fun dahil nakipagbonding sa amin sila maam rodriguez at sir alfer... yey... at pinakilala sa amin ni maam rodriguez yung boyfriend nya... tapos sa backstage... super kinakabahan na ako... at wala na akong maisip na matino... dagdag kaba pa yung pag-akyat sa stage... kasi feeling ko nakamamatay yung daanan... swear nakaktakot... parang anytime pwede ka mahulog... sabi ko sa sarili ko marami pa akong balak sa buhay... hehe... ayun... habang nasa stage... wala na yung kaba ko... ang dami naming maling steps... hehe... pero ok lang... nagawan naman ng paraan... nakakahiya talaga yung ginawa ko... nawalan ako ng dignidad... pero makapal naman ang face ko... so yun... kaya ko pa humarap sa mga tao... after nun nakatabi ko si tafaleng at sabay kami lumabasa sa stage... tinulungan pa nga nya ako umakyat sa stage eh... gwapo talaga ni sir tafaleng... npero di ko sya crush... hehe... oh well... aun... after nun... dami ko nainom na tubig.... grabe... di man kami nanalo ok lang naman... at least napakita namin na kaya namin gumawa ng damit na kakaiba manually... puro kamay namin ang gumawa nun noh... haay... basta masaya ako ngayong araw...

saturday...
umaga pa lang may sumira na nang araw ko... grrness... haay... bwiset... anyway... gusto ko sana matuto magbike as in yung dalawang gulong... kaya lang nakaskirt ako noh... so yun next year na lang... wahaha... tapos bday ng kuya ko... hehe... pero di ko naman talaga sya kuya... ate ko sya... hehe... joke lang... basta yun... malabo... at least nakapagfair rin at nakakain rin... sa wakas... hehe... di ko na kelangan magdiet... woohoo... at may hang over pa silang lahat sa proj runway... hehe... ayun.. sumakit yung paa ko kasi nakaheels po ako ngayon... at yun lakad kami nang lakad... hehe... kay nagpahinga ako sa dorm... tapos pagbaba ko nang dorm... nagpakaconceited kami at nagpicture taking... hehe... laboness... ayun... tapos concert... at may fireworks nung umpisa... hehe... ay oo nga pala... pahabol... nasting ako nung bee... at akala ko di na ako makakagalaw forever... yuck ang oa ko noh... basta yun... baka maparalyze ako bigla... alam nyo na kung sino yung may kasalanan... dalawa lang yon yung snow cone or yung bee... hehe...

~tricia

Sunday, October 22, 2006

ok... kwento ko naman yung week after perio...

akala ko dapat after perio pahinga na... hindi stressful... pero as usual... stressful pa rin... grabe... dami pa nagbago... pero karamihan in a bad way yung pagbabago... dami ata nabago nung retreat...

busy kami sa req'ts at pati sa proj runway... crammer talaga kami... halos one week na lang... la pa kami tela... goshness... buti dami talented sa group at di ako kasama dun... feeling ko nga pabigat ako eh... haay... tapos may nagawa si bakingkong na di malilimutan... haay... buti na lang at nandito ako... isang superhero na nagligtas sa isang nanganganib na nilalang... oh yeah... wag nyo na akong purihin... joke lang...

haay... medyo dami rin akong senti moments ngayon... pansin ko lang... haay... parang gulo na kasi ng buhay ko... dami kadramahan... pwede na pangtelenovela... haay...

sabi nga sa inyo daming pagbabago... daminbg pagbabagong masama pero meron din namang pagbabagong maganda... haay... pero magulo... ay ewan...

tapos ilang attempt na rin yung nagawa ko para hinaan yung voice ko... pero di effective kasalanan na ng voice box ko... di na ata mababago... pero try ko pa rin... promise... hehe...

haay... minsan naisip ko na hindi talaga pwede mangyari lahat ng gusto ko... haay... basta un...

kwentuhan ko pa kayo ng stuffs... nung friday... pinagkasya kami sa iisang kotse para mahatid namin ang grup ng proj runway sa sm... haay... ilan din yun plus saksakan ng dming bags... sa 2nd row... kandong-kandong sila... dea, maan, giselle, angel, sarah... tapos sa likod klami ni janella... papuntang sm... binully lang ako ni janella joy... hmph... siksik na nga kami dun nabully pa rin nya ako... kamusta naman yun? wala talagang pinipiling oras, panahon, lugar at sitwasyon ang isang bully... oh well... masayang experience naman yun... ewan ko lang sa iba...

haay.. isa pang kwento... lam nyo ba naloko ako ni giselle... uto uto talaga ako... grrness... malay ko ba... pero sobrang natakot akodun noh... pano kung totoo yun... ano na mangyayari... haay... buti na lang at di totoo... ok lang na pagtripan nya ako kesa totoo yung ginawa nya noh...

haay... bakit kaya hiwa-hiwalay na adelfa... akala ko ba matatag na yung samahan natin... sana mababago ko pa yung nakaraan... actually, yung present... yoko na watak watak tayong lahat... gusto ko ganun pa rin yung dati... at sana mabalik natin yung dating adelfa... kahit puro away... nandyan pa rin... at matatag... ayoko mawalan ng pag-asang mababalik pa natin ang samahan...

tapos yung pinakahuli kong sasabihin ay support vic at paula... oh yeah... para may class achievement naman kami oh... please... hehe... joke lang... hehe... yun lang... pinapasaya ko lang sarili ko...

~tricia