Sunday, October 29, 2006
nandito ako ngayon at kalahating araw lang ako magstay sa bahay... bow...
hehe... dami nangyari ngayong week...
monday...
thanks maan... sobra... dahil sayo sumaya araw ko... sobra... pero kahit papaano, malungkot rin noh... haay... bakit kasi kelangan pa dumaan sa ganitong pagsubok ang barkada pwede namang maging ,aligaya at magkakasama forever di ba... ano ba talaga ang problema... di ko maintindihan... ang gulo talaga... aalalahanin ko na lang yung masasayang sandali nang araw na ito... of course... puro proj runway lang... hehe... start na ako magpapayat... hehe... para di ako tumaba... pero mataba ba talaga ako?? hehe... labo... basta yun puro proj runway inaatupag namin nung monday... la pa nga kami halos nagagawa nung araw na toh eh... basta thanks maan... super...
tuesday...
walang pasok nung tuesday... yey... happy happy... pero ayun... puro proj runway pa rin... tahi kami ng tahi... gupit ng gupit... hehe... parang yung song nung bata pa ako... with matching actions pa... hehe... oh well... ayon... gutom ako at marami akong kinain... sobra at demanding ako pagdating sa food... nakalimutan yung order ni ate angel kaya nagkaroon kami ng foundation para sa food nit ate angel... tapos ginawa nila akong manekin kaya nagutom ako... at gawa kami ruffles... nakakapagod yung araw na ito at buong araw namin pinag-usapan si capt bakingkong at ang kanyang katangahan... hehe... at gutom ako... inuulit ko... gutom ako... tapos may chem pa... at wala na akong balak gawin kaya yun di ko ginawa... wahaha... badbadbad... wag nyo po aong tutularan... problem set lang naman... gosh... prob set nga yon... kaya baka malaking percentage sya ng grade... napag-usapan pa namin ni giselle yung college... at wala kaming naisip na kurso... so yun ginambala nun yung isipan namin buong gabi... at naisip ko wala pala akong pangarap sa buhay... joke lang... business na lang siguro ako... joke lang ulit... puro geom at physics kasi eh... kainis naman nun...
wednesday...
wohoo... 1:40 dismissal... saya saya... balak ko sana magpasa ng prob set ng late kaya lang di natuloy... grrness... discuss na kasi nya eh... ok lang bawi na lang ako sa long test bukas... wala kaming na accomplish nung araw na ito na matino... napuyat lang ako at nagrufflelize lang kami... new term di ba... rufflelize- to make ruffles... hehe... di yung food ha... basta... di rin nakapag- aral ng chem... konti lang... argh oh well...
thursday...
haay... deppressed... pagod at puyat sa paggawa ng susuotin para sa proj runway... as usual manekin at gumawa ng ruffles... meaning nagrufflelize kami... wahaha... hyper ni ada... super... tapos nagwawala kami kasi bukas na yon at di pa kami tapos... haay... at takot kami sa magic... kaya gawa na lang kami ng speech at intro na pamatay... na di pwede isubmit kasi IR aabutin namin... oh well... ang start nun... mga *toot* kayo, kinamay lang namin toh... oh di ba pamatay... oh well... basta we did our work honestly... hehe... at di kami nagmagic... at matagal namin sya pinaghandaan... mga one month siguro at di one day... hehe... basta yun... nangako kaming walang tulugan pero naiinggit ako kay maan na nakita kong natutulog... so yun tumabi ako sa kanya at natulog... hehe... at di nila akong magising... hehe... siguro iniisip nila namatay ako sa kaba... well, buti na lang may taong pumapawi sa kaba ko... wahaha....
friday...
paggising ko... gising na sila lahat... gosh nakatulog ako... at paggising ko namulikat ako at di ako nakatayo... waah... pano na yan... ang malas naman... buti na lang at nndyan sila maan para takutin ako kaya napatayo ako bigla... hehe... nakalakad din... late pa talaga ako nagising... argh... tapos di kami nakapagfair... two day fair na nga lang nabawasan pa... so ibig sabihin... isang araw lang yung fair ko... waah... at yun... nagtahi pa rin kami... at kinakabahan na kami... pero we have fun dahil nakipagbonding sa amin sila maam rodriguez at sir alfer... yey... at pinakilala sa amin ni maam rodriguez yung boyfriend nya... tapos sa backstage... super kinakabahan na ako... at wala na akong maisip na matino... dagdag kaba pa yung pag-akyat sa stage... kasi feeling ko nakamamatay yung daanan... swear nakaktakot... parang anytime pwede ka mahulog... sabi ko sa sarili ko marami pa akong balak sa buhay... hehe... ayun... habang nasa stage... wala na yung kaba ko... ang dami naming maling steps... hehe... pero ok lang... nagawan naman ng paraan... nakakahiya talaga yung ginawa ko... nawalan ako ng dignidad... pero makapal naman ang face ko... so yun... kaya ko pa humarap sa mga tao... after nun nakatabi ko si tafaleng at sabay kami lumabasa sa stage... tinulungan pa nga nya ako umakyat sa stage eh... gwapo talaga ni sir tafaleng... npero di ko sya crush... hehe... oh well... aun... after nun... dami ko nainom na tubig.... grabe... di man kami nanalo ok lang naman... at least napakita namin na kaya namin gumawa ng damit na kakaiba manually... puro kamay namin ang gumawa nun noh... haay... basta masaya ako ngayong araw...
saturday...
umaga pa lang may sumira na nang araw ko... grrness... haay... bwiset... anyway... gusto ko sana matuto magbike as in yung dalawang gulong... kaya lang nakaskirt ako noh... so yun next year na lang... wahaha... tapos bday ng kuya ko... hehe... pero di ko naman talaga sya kuya... ate ko sya... hehe... joke lang... basta yun... malabo... at least nakapagfair rin at nakakain rin... sa wakas... hehe... di ko na kelangan magdiet... woohoo... at may hang over pa silang lahat sa proj runway... hehe... ayun.. sumakit yung paa ko kasi nakaheels po ako ngayon... at yun lakad kami nang lakad... hehe... kay nagpahinga ako sa dorm... tapos pagbaba ko nang dorm... nagpakaconceited kami at nagpicture taking... hehe... laboness... ayun... tapos concert... at may fireworks nung umpisa... hehe... ay oo nga pala... pahabol... nasting ako nung bee... at akala ko di na ako makakagalaw forever... yuck ang oa ko noh... basta yun... baka maparalyze ako bigla... alam nyo na kung sino yung may kasalanan... dalawa lang yon yung snow cone or yung bee... hehe...
~tricia